“Extreme poverty anywhere is a threat to human security everywhere.” Ang kahirapan ay isa sa mga pangkaraniwang problema sa  lipunan ngayon.  Ang kahirapan  ay isang estado ng pagiging dukha. Nakakalungkot isipin na maraming pamilya ang dumadanas nito.  Pamilya na hindi kaya tugonan ang pangunahing pangangailangan  tulad ng pagkain, damit at tirahan.

Para sa mga nagtataka, nangyayari ang kahirapan sa Pilipinas dahil sa high levels of population growth, low to moderate economic growth for the past 40 years, at weakness in employment generation and the quality of jobs generated. Ang problemang ito ay may malaking epekto sa kanino man at sa anumang oras. Kahit yung mga bata ay magdusa. May mga pamilya na dahil nagdusa sa kahirapan , ang mga anak hindi maka pag aral at ang panganay nagtratrabaho sa murang edad upang makatulong sa pamilya. Kaya dapat natin tulungan ang mga pamilya na nagdusa sa kahirapan, sa pamamagitan ng pagbigay donasyon, at mga bagay na hindi na natin gustong gamitin pero magagamit pa nila. Pwede tayong mag donate ng pagkain at malinis na tubig. Dapat ipagbigay alam natin sa lipunan na may mga taong nagdurusa sa kahirapan at e udyok sa mga tao na dapat magbahagi ng kanilang  blessings o mag donate dahil ito ay malaking tulong sa pamilyang mahihirap.


Kahit may mga pamilya na nagdusa sa kahirapan, hanga ako sa kanilang lakas at diskarte para lang mabuhay ang kanilang pamilya.  Naghahanap sila ng paraan para sa araw- araw na pangangailangan.  May lakas loob silang harapin ang  buhay. Hindi mali ang pagtulong sa kanila, maraming paraan kung paano sila tulungan.  Malaking tulong o maliit man , ito ay  makapagpasaya na sa kanila. Kaya                                                                 dapat natin tulungan para ma ihaon sila sa                                                                           kahirapan.

Comments